UP KAPPP: Difference between revisions

From Iskomunidad
Rdvelasco (talk | contribs)
Rdvelasco (talk | contribs)
Line 524: Line 524:
Image:Kappp freeIDphoto 2011.jpg|Ang "Free ID Photos" poster ng UP KAPPP noong ikalawang semestre ng A.T. 2011-2012.
Image:Kappp freeIDphoto 2011.jpg|Ang "Free ID Photos" poster ng UP KAPPP noong ikalawang semestre ng A.T. 2011-2012.
Image:FreeIDphotos 2012 1.jpg|Free ID Photos ng first sem, 2012.
Image:FreeIDphotos 2012 1.jpg|Free ID Photos ng first sem, 2012.
Image:FreeID2013A.jpg|Free ID Photos poster ng unang semestre ng 2013.
Image:FreeID.JPG|Free ID Photos for everyone!
Image:FreeID2013B.jpg|Free ID Photos poster ng ikalawang semestre ng 2013.
</gallery>
</gallery>



Revision as of 00:07, 22 November 2013


UP Kalipunan para sa Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino (UP KAPPP)


Itinatag Hulyo 3, 2000
Mga Salita Makatotohanan. Makabuluhan.

Makabayan.

Punong Himpilan Palma Hall, University of the Philippines, Diliman Quezon City, Philippines 1101
Website http://www.fb.com/upkappp
SANGGUNIANG TAGAPAGPAGANAP
A.T. 2013-2014
Supremo Rienzi Niccolo Velasco
Katalonan Khim Carla Bautista
Sugo Vince Renzo Liban
Kalihim Maria Lourdes San Luis
Ingat-Yaman Angelica Jhoy Escosio
Punong Mananaliksik Eufemio Agbayani III
Mga Gurong Tagapayo Kerby Alvarez

Perseville Mendoza

Ang UP Kalipunan para sa Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino o UP KAPPP ay ang nag-iisang pang-kolehiyong akademikong organisasyon sa UP College of Social Sciences and Philosophy para sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Pangunahing sinusulong nito ang multi-disiplinaryong pag-aaral ng Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino.


Pagkakatatag


Nakaugat ang kasaysayan ng UP KAPPP sa adhikain ng BUKLOD CSSP na maisulong ang isang multi-disiplinaryong pag-aaral ng Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino; mapalakas ang paglahok sa mga gawaing pulitikal; at sa pangkalahatan, mapaglingkuran ang kolehiyo, unibersidad, at sambayanang Pilipino. Ito ang naging dahilan upang mabuklod ang mahigit 50 mag-aaral ng UP College of Social Sciences and Philosophy (CSSP) para umpisahan ang pagtatag ng organisasyon noong Hulyo 2000.

Sa pangunguna nina Ja’pee de Leon, Pangulo ng BUKLOD CSSP; Mary Rose Rodriguez, History Representative sa CSSP Student Council, at Atoy Navarro, Gurong Tagapayo ng BUKLOD CSSP; binalangkas ang Saligang Batas ng organisasyon na pinagtibay ng mga kasaping tagapagtatag noong Hunyo 2000. Matapos ito, agad na naganap ang Unang Pangkalahatang Eleksyon para sa pamunuang tagapagtatag ng organisasyon para sa Akademikong Taon 2000-2001. Dahil sa wala pang ipinagkakaloob na tambayan, nangyari ang eleksyon sa tambayan ng UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS) kung saan nahalal sina Mary Rose Rodriguez (Kasaysayan) bilang Suprema, Paul Allan Cruz (Sosyolohiya) bilang Pangalawang Supremo, Paul Andrew Gorgonio (Agham Pampulitika) bilang Kalihim, Lisette Gaspar (Sosyolohiya) bilang Ingat-Yaman, at Ma. Carolina Perez (Sikolohiya) bilang Punong Mananaliksik. Naglilingkod naman bilang Gurong Tagapayong Tagapagtatag si Atoy Navarro.

Mga Lupong Pang-Organisasyon


Ang Sangguniang Tagapagpaganap o ST ang pangunahing tagapangasiwa ng UP KAPPP. Ito ay binubuo ng Supremo, Katalonan, Sugo, Kalihim, Ingat-Yaman at Punong Mananaliksik.

Ang kasalukuyang Sangguniang Tagapagpaganap. Mula kaliwa, pakanan, Eufy, Malou, Khim, Jhoy, Vince, Supremo Zee.

Ang Lupon para sa Usaping Panloob o LOOB ang tagapamahala ng proseso ng aplikasyon,reapirmasyon, resignasyon, suspensyon at ekspalsyon. Ito ang nagpapanatili ng kantidad at kalidad sa mga kasapi ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Direktor para sa Usaping Panloob.

Ang Lupon para sa Usaping Panlabas o LABAS ang pangunahing tagapamahala ng lahat ng ugnayan sa UP KAPPP Alumni, sa loob at labas ng kolehiyo at pamantasan, sa isponsors, at sa iba pang mga ugnayang panlabas. Pinamumunuan ito ng Direktor para sa Usaping Panlabas.

Ang Lupon para sa Dokumentasyon at Publisidad o LuDoPu ang gumaganap bilang pangunahing tagapagsadokumento at tagatala ng takbo ng mga gawain at pagkilos ng organisasyon. Ito rin ang pangunahing tagapaglikom, tagasinop at tagapag-ingat ng mga kasulatan, lathalain at iba pang materyales na pang-organisasyon, at naglalabas ng mga publisidad ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Kalihim.

Ang Lupon para sa Lohistika at Pananalapi o LuPapi ang gumaganap bilang pangunahing tagapundar ng suporta at tulong panglohistika para sa mga pangangailangan ng organisasyon. Ito rin ang may hawak ng responsibilidad sa pagpapananatili ng kaayusan ng mga pagkilos at mga pagmamay-ari ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Ingat-Yaman.

Ang Lupon para sa Edukasyon at Pananaliksik o LupEPa ang gumaganap bilang pangunahing tagapagsagawa at tagapamahala ng mga pananaliksik sa mga isyu't usaping pang-Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino. Ito rin ang namamahala sa mga pag-aaral at pagsasanay ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Punong Mananaliksik.

Kasapian


KAPPPips 2013-2014
Pangalan Palayaw Kurso at Antas
Eufemio Agbayani III Eufy BA History IV
Chris Erwin Alquizalas Chris BA Political Science IV
Louie Gabriel Arevalo Louie BA Political Science I
Khim Carla Bautista Khim BS Economics III
Andre Marcel Bolinao Marcel BA Psychology II
Victor Enrique Bolinao Eike BA History III
John Arvin Buenaagua Arvin BA Political Science III
Nicole Angela Canseco Coco BA History IV
Alea Carpio Alea BA European Languages IV
Karla Mae de Leon Karla BA Political Science IV
Angelica Jhoy Escosio Jhoy BA Political Science III
Jairus Espiritu Jai BA Philosophy III
Tom Paolo Hinlo Tom BA Psychology I
Kris Sarah Jeruta Kris BA-MA Political Science III
Vince Renzo Liban Vince BA Political Science III
Pamela Anne Macariola Pam BA Sociology IV
Fritzie Mirzi Mamawag Faye BA Sociology III
Maria Veronica Manalo Vee BA Political Science III
Darrell John Magsambol Darrell BS Business Economics IV
Ed Laurenz Noveloso Renz BS Psychology III
Jemimah-Keren Pabiona Jem BS Geography III
Allan Pangilinan Allan BA Philosophy III
Clarisse Anne Peralta Clarisse BA Psychology I
Patricia Mae Peralta Trixie BA Political Science III
Maria Lourdes San Luis Malou BS Business Economics III
Niña Dianne Santiago Niña BA Political Science IV
Glaiza Mae Superable Zam BA Psychology III
John Ricardo Sylva III Buboy BA Political Science I
Walter Tamayo Walter BA History V
Maxine Tiongson Maxine BA Psychology I
Christine Anne Trajano Anne BS Economics III
Rienzi Niccolo Velasco Zee BS Geography IV


Ang ilan sa mga kasapi ng UP KAPPP sa Anniv Photoshoot ng 2013 sa A.S. Steps.

UP KAPPP sa mga Konsehong Pangmag-aaral


Ang UP KAPPP ay kilala rin bilang isa sa mga organisasyon sa CSSP na pinakaaktibo sa pagpapatakbo sa taunang eleksyon para sa University Student Council at College of Social Sciences and Philosophy Student Council. Kamakailan lamang din ay naging bahagi na rin ang ilang KAPPPips sa School of Economics Student Council.

UP KAPPP sa USC, CSSPSC at SESC
Pangalan Katungkulan
2001-2002
Joseph Anthony Lachica CSSP Representative to the USC
Ma. Carolina "Len" Perez CSSPSC Chairperson
Paul Allan Cruz CSSPSC Councilor
Paul Andrew Gorgonio CSSPSC Councilor
Mary Rose Rodriguez CSSPSC Councilor
Mc Ronald "McRhon" Banderlipe History Department Representative
Daly Caturan Linguistics Department Representative
Jan Japheth Monis Philosophy Department Representative
Christine Anne "Tintin" de Villa Psychology Department Representative
2002-2003
Ryan Caparas USC Councilor
Christine Anne "Tintin" de Villa CSSPSC Chairperson
Jan Japheth Monis CSSPSC Vice-Chairperson
Karen Sarinas CSSPSC Secretary-General
Wendell Langdet CSSPSC Councilor
Katrina "Nina" de Leon CSSPSC Councilor
Rae Ann Ramos Psychology Department Representative
Cathy Villena Sociology Department Representative
2003-2004
Mc Ronald "McRhon" Banderlipe CSSPSC Secretary-General
Andre Verastigue CSSPSC Councilor
2004-2005
Alesandra Maria Anna "Arianne" Reyes CSSPSC Secretary-General
2005-2006
Alesandra Maria Anna "Arianne" Reyes CSSPSC Chairperson
Pauline Agatha "Pau" Caspellan CSSPSC Secretary-General
Joseph "Tacio" Basconcillo Geography Department Representative
2006-2007
Joseph "Tacio" Basconcillo CSSPSC Councilor
2007-2008
Graciello Timothy "G.T." Reyes CSSPSC Councilor
2008-2009
Graciello Timothy "G.T." Reyes CSSPSC Vice-Chairperson
April Gayle Soller SCSSPSC Secretary-General
2009-2010
Kristine “Tin” Borja CSSP Representative to the USC
Ranulfo “Oyie” Javelosa III CSSPSC Councilor
Celliza Marie “Elliz” Rances CSSPSC Councilor
2010-2011
Kristine “Tin” Borja USC Councilor
Ranulfo “Oyie” Javelosa III CSSPSC Chairperson
Mabel Ogoshi CSSPSC Vice-Chairperson
Adrian Baccay CSSPSC Councilor
2011-2012
Ginelle "Ginx" B. Petterson CSSPSC Secretary-General
Lazaro Kevin “Arrow” G. Pabiona Anthropology Department Representative
2012-2013
Chris Erwin "Chris" Alquizalas CSSPSC Councilor
Walter Martin Sumakwel "Walter" Tamayo History Department Representative
Christine Anne "Anne" Trajano SESC Councilor for Marketing
Darrell John "Darrell" Magsambol SESC Students' Rights and Welfare Committee Head
2013-2014
Chris Erwin "Chris" Alquizalas CSSP Representative to the USC
Maria Veronica "V" Manalo CSSPSC Vice-Chairperson
Walter Martin Sumakwel "Walter" Tamayo CSSPSC Secretary-General
Ed Laurenz "Renz" Noveloso CSSPSC Councilor
Patricia Mae "Trixie" Peralta CSSPSC Councilor
Allan "Allan" Pangilinan CSSPSC Councilor
Kris Sarah "Kris" Jeruta Political Science Department Representative
Darrell John "Darrell" Magsambol SESC Chairperson
Christine Anne "Anne" Trajano SESC Councilor for Secretariat

Mga Gawain


Mga KAPPPihan sa Pagsasapilipino

Hanay sa layunin ng UP KAPPP na magsulong ng multi-perspektibong pag-aaral ng Pilipinong Agham Panlipunan at Pilosopiya, nabuo ang konsepto ng "KAPPPihan sa Pagsasapilipino", kung saan ang mga kasapi ng UP KAPPP at ilang kinatawan ng iba pang organisasyong may kinalaman sa paksa ay magtitipon at magpapalitan ng kaalaman. Ito ay may apat na bahagi: Pagpapakilala; Palitan ng Kaalaman; Kainan, at; Batuhan ng Katanungan.

Isang halimbawa ng Random ED poster.

Mga Regular na KAPPPihan

Maliban sa Pagsasapilipino ng mga Agham Panlipunan at Pilosopiya, tinatalakay din ng UP KAPPP sa pamamagitan ng mga KAPPPihang ito ang mga napapanahong isyu sa bansa na ginagamitan ng maka-Pilipinong lente.

Buwan ng Anibersaryo

Ang Buwan ng Anibersaryo ay ginaganap sa buwan ng Hulyo at nahahati sa anim na bahagi.

Anniv Exhibit

Ang Anniv Exhibit ay ang opisyal na taunang eksibit ng UP KAPPP na nagsisilbing daan upang mas makilala pa ng karamihan ang kalikasan at kasapian ng organisasyon. Itinatayo ito sa AS Lobby sa unang linggo ng Hulyo, Martes hanggang Biyernes.

Pista ng Pagkaing Pilipino

Ang Grand Pakain, kasalukuyang tinatawag na Pista ng Pagkaing Pilipino, ay ang pagdiriwang ng pagkakabuo ng UP KAPPP kasama ng iba pang mga bahagi ng komunidad ng U.P. Nagsisilbi rin itong paraan para maitaguyod ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng paghahain ng mga pagkaing sariling atin.

Anniv Palaro

Maaaring sa porma ng tagisan ng talino, o ng palakasan, ang Anniv Palaro ang masayang daan para mas makilala pa ng mga mag-aaral sa labas ng UP KAPPP ang mga makatotohanan, makabuluhan at makabayang adhikain ng organisasyon. Ginaganap ito sa ikalawang linggo ng Hulyo.

Patsuper

Ang Patsuper o Para sa Ating mga Tsuper ay ang pagbibigay-halaga ng organisasyon sa mga magigiting nating mga tsuper ng mga jeep. Ginaganap ito sa ikatlong linggo ng Hulyo kung saan nagpapamigay ng iba't-ibang mga bagay ang KAPPP sa mga tsuper tulad ng tubig, energy drinks, twalya, UP KAPPP stickers, atbp.

Anniv Forum

Ang Anniv Forum ay ang paraan ng UP KAPPP para maiharap ang mga sinusulong ng organisasyon sa mga mag-aaral ng UP sa isang mas pormal na plataporma. Kadalasang paksa ay mga napapanahong kaganapan sa bansa na tinitignan sa maka-Pilipinong perspektibo.

Anniv Night

Ang Anniv Night ang taunang pagtitipon ng lahat ng resident at alumni members ng UP KAPPP. Nagsisilbi itong gabi ng pagsariwa sa kung ano ba ang ibig sabihin ng pagiging kasapi ng UP KAPPP.

Error creating thumbnail: File with dimensions greater than 12.5 MP
Ang napakasayang Anniv Night 2013!

Pamamahagi ng Freshie Kits

Nakahanay sa prinsipyo ng pagbibigay-kalinga sa mga mag-aaral, ang UP KAPPP ay namamahagi ng mga kalidad na freshie kits sa mga freshmen ng kolehiyo pagsapit ng unang linggo ng pasukan. Naglalaman ito ng mga gabay at kagamitan na malaki ang naitutulong sa mga estudyante sa kanilang mga unang araw sa CSSP.

Alternative Classroom Learning Experience (ACLE)

Ang ACLE ay isang semestral na kaganapan ng University Student Council (USC) kung saan ang mga organisasyon ay lilikha ng mga alternatibong paraan para magbahagi ng mga makabagong kaalaman sa mga estudyante. Ang UP KAPPP ay isang aktibong kontributor sa ACLE.

Ang ACLE ng UP KAPPP tungkol sa pagpapakamatay, 2nd sem ng 2011-2012.

Free ID Photos

Ang Free ID Photo + Juice Sale poster ng first sem ng 2012.

Naging tradisyon na sa UP KAPPP mula noong 2011 ang pamamahagi libreng ID photos sa lahat ng mag-aaral ng unibersidad. Ang gawaing ito ay nakahanay din sa pagbibigay-kalinga ng Kalipunan at ginaganap sa unang linggo ng pasukan.

Mga Ugnayang Panlabas

UP ALYANSA

Buklod CSSP

CSSP Academic Circle

External Links

UP KAPPP on Facebook

UP KAPPP on Multiply