UP KAPPP: Difference between revisions
Line 278: | Line 278: | ||
---- | ---- | ||
Ang UP KAPPP ay tumatanggap ng undergraduate o graduate students ng UP Diliman na kumuha, kumukuha, o kukuha ng 15 units ng social sciences and philosophy (SSP) courses. Matapos ang Oryentasyon para sa Aplikasyon, ang mga tutuloy na aplikante ay sasailalim na sa Proseso ng KAPPPlikasyon na | Ang UP KAPPP ay tumatanggap ng undergraduate o graduate students ng UP Diliman na kumuha, kumukuha, o kukuha ng 15 units ng social sciences and philosophy (SSP) courses. Matapos ang Oryentasyon para sa Aplikasyon, ang mga tutuloy na aplikante ay sasailalim na sa Proseso ng KAPPPlikasyon na nahahati sa _ bahagi at kadalasang nagtatagal ng _ na linggo. | ||
Revision as of 22:09, 10 June 2012
| |
Itinatag | Hulyo 3, 2000 |
---|---|
Kategorya | akademikong organisasyon |
Mga Salita | Makatotohanan. Makabuluhan. Makabayan. |
Punong Himpilan | Palma Hall, University of the Philippines, Diliman Quezon City, Philippines 1101 |
Website | http://www.fb.com/upkappp |
upkappp@yahoo.com | |
SANGGUNIANG TAGAPAGPAGANAP A.T. 2012-2013 | |
Suprema | Karla Mae de Leon |
Direktor para sa Usaping Panloob | Niña Dianne Santiago |
Direktor para sa Usaping Panlabas | Rienzi Niccolo Velasco |
Kalihim | John Arvin Buenaagua |
Ingat-Yaman | Darrell John Magsambol |
Punong Mananaliksik | Eufemio Agbayani III |
Mga Gurong Tagapayo | Kerby Alvarez
Perseville Mendoza |
Ang UP Kalipunan para sa Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino o UP KAPPP ay isang akademikong organisasyon ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Pangunahing sinusulong nito ang multi-perspektibong pag-aaral ng Pilipinong Agham Panlipunan at Pilosopiya.
Pagkakatatag
Nakaugat ang kasaysayan ng UP KAPPP sa adhikain ng BUKLOD CSSP na maisulong ang isang multi-disiplinaryong pag-aaral ng Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino; mapalakas ang paglahok sa mga gawaing pulitikal; at sa pangkalahatan, mapaglingkuran ang kolehiyo, unibersidad, at sambayanang Pilipino. Ito ang naging dahilan upang mabuklod ang mahigit 50 mag-aaral ng UP College of Social Sciences and Philosophy (CSSP) para umpisahan ang pagtatag ng organisasyon noong Hulyo 2000.
Sa pangunguna nina Ja’pee de Leon, Pangulo ng BUKLOD CSSP; Mary Rose Rodriguez, History Representative sa CSSP Student Council, at Atoy Navarro, Gurong Tagapayo ng BUKLOD CSSP; binalangkas ang Saligang Batas ng organisasyon na pinagtibay ng mga kasaping tagapagtatag noong Hunyo 2000. Matapos ito, agad na naganap ang Unang Pangkalahatang Eleksyon para sa pamunuang tagapagtatag ng organisasyon para sa Akademikong Taon 2000-2001. Dahil sa wala pang ipinagkakaloob na tambayan, nangyari ang eleksyon sa tambayan ng UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS) kung saan nahalal sina Mary Rose Rodriguez (Kasaysayan) bilang Suprema, Paul Allan Cruz (Sosyolohiya) bilang Pangalawang Supremo, Paul Andrew Gorgonio (Agham Pampulitika) bilang Kalihim, Lisette Gaspar (Sosyolohiya) bilang Ingat-Yaman, at Ma. Carolina Perez (Sikolohiya) bilang Punong Mananaliksik. Naglilingkod naman bilang Gurong Tagapayong Tagapagtatag si Atoy Navarro.
Mga Lupong Pang-Organisasyon
Ang Sangguniang Tagapagpaganap o ST ang pangunahing tagapangasiwa ng UP KAPPP. Ito ay binubuo ng Supremo, Direktor para sa Usaping Panloob, Direktor para sa Usaping Panlabas, Kalihim, Ingat-Yaman at Punong Mananaliksik.
Ang Lupon para sa Usaping Panloob o Loob ang tagapamahala ng proseso ng aplikasyon,reapirmasyon, resignasyon, suspensyon at ekspalsyon. Ito ang nagpapanatili ng kantidad at kalidad sa mga kasapi ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Direktor para sa Usaping Panloob.
Ang Lupon para sa Usaping Panlabas o Labas ang pangunahing tagapamahala ng lahat ng ugnayan sa UP KAPPP Alumni, sa loob at labas ng kolehiyo at pamantasan, sa isponsors, at sa iba pang mga ugnayang panlabas. Pinamumunuan ito ng Direktor para sa Usaping Panlabas.
Ang Lupon para sa Dokumentasyon at Publisidad o LuDoPu ang gumaganap bilang pangunahing tagapagsadokumento at tagatala ng takbo ng mga gawain at pagkilos ng organisasyon. Ito rin ang pangunahing tagapaglikom, tagasinop at tagapag-ingat ng mga kasulatan, lathalain at iba pang materyales na pang-organisasyon, at naglalabas ng mga publisidad ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Kalihim.
Ang Lupon para sa Lohistika at Pananalapi o LuPapi ang gumaganap bilang pangunahing tagapundar ng suporta at tulong panglohistika para sa mga pangangailangan ng organisasyon. Ito rin ang may hawak ng responsibilidad sa pagpapananatili ng kaayusan ng mga pagkilos at mga pagmamay-ari ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Ingat-Yaman.
Ang Lupon para sa Edukasyon at Pananaliksik o LupePa ang gumaganap bilang pangunahing tagapagsagawa at tagapamahala ng mga pananaliksik sa mga isyu't usaping pang-Agham Panlipunan at Pilosopiyang Pilipino. Ito rin ang namamahala sa mga pag-aaral at pagsasanay ng organisasyon. Pinamumunuan ito ng Punong Mananaliksik.
Kasapian
Pangalan | Palayaw | Antas at Kurso |
---|---|---|
Eufemio Agbayani III | Eufy | III BA History |
Chris Erwin Alquizalas | Chris | III BA-MA Political Science |
John Arvin Buenaagua | Arvin | II BA Political Science |
May Ann Borlongan | May Ann | IV BA Political Science |
Pam Louise Chua | Pam | I Law |
Karla Mae de Leon | Karla | III BA Political Science |
Maria Socorro de Villa | Mia | IV BA Linguistics |
Denise Hanna Fajardo | Denise | IV BA Philosophy |
Virginia Mara Favis | Mara | I MA Philosophy |
Gene Angelo Ferrer | Gene | IV BA Political Science |
Viktor Andre Fumar | Viko | I MA Psychology |
Jason Jimenez | Ja | IV BS Clothing Technology |
Maria Veronica Manalo | Nica | II BA Political Science |
Lazaro Pabiona | Arrow | I Law |
R-La Pudadera | R-La | IV BA Psychology |
Darrell John Magsambol | Darrell | III BS Economics |
Michael Trance Nuñez | Trance | I Law |
Markus San Gabriel | Markus | IV BS Community Development |
Niña Dianne Santiago | Niña | III BA Political Science |
Walter Tamayo | Walter | IV BA History |
Rienzi Niccolo Velasco | Zee | III BS Geography |
-
KAPPPips of 2006.
-
2006 KAPPPinuman?
-
2006.
-
Random jumpshot from '06.
-
May alas sya!
-
Kahit sino, belong sa KAPPP.
-
Ang KAPPP sa tambs, 2006.
-
Tsk tsk.
-
KAPPP 2006.
-
Worm's eye view ng KAPPPips of 2006.
-
KAPPPips of 2007.
-
Mindoro trip ng KAPPP 2007.
-
KAPPP Christmas Party, 2007.
-
Kaya mo ba to?
-
KAPPPips of 2008.
-
Sa tambayan.
-
March 14, 2008.
-
Isang gabi sa tambayan.
-
Sina Aides at Vince sa KAPPP sem-ender, 2009.
-
Ayaw paawat ni Ginx.
-
Sina Anne, April, Elliz at Arpee sa debut ni Tin Borja.
-
Mahilig kami sa jumpshot.
-
Isang salu-salo ng UP KAPPP noong 2009.
-
Ilan sa mga kasapi noong 2009.
-
KAPPP jumpshot 2011.
Mga Gawain
Pagsasapilipino Educational Discussions
Hanay sa layunin ng UP KAPPP na magsulong ng multi-perspektibong pag-aaral ng Pilipinong Agham Panlipunan at Pilosopiya, nabuo ang konsepto ng "Pagsasapilipino ED", kung saan ang mga kasapi ng UP KAPPP at ilang kinatawan ng iba pang organisasyong may kinalaman sa paksa ay magtitipon at magpapalitan ng kaalaman. Ito ay may apat na bahagi: Pagpapakilala; Palitan ng Kaalaman; Kainan, at; Batuhan ng Katanungan.
-
Ang Agham Panlipunang Pilipino ED kasama ang UP SAPUL, UP POLSCi, at UP APSM.
-
Ang Sosyolohiyang Pilipino ED kasama ang UP KMS at UP PRAXIS.
-
Ang ED tungkol sa Pantayong Pananaw ng Kasaysayan kasama ang UP LIKAS at UP KASAYSAYAN.
Random Educational Discussions
Maliban sa Pagsasapilipino ng mga Agham Panlipunan at Pilosopiya, tinatalakay din ng UP KAPPP sa pamamagitan ng mga ED ang mga napapanahong isyu sa bansa na ginagamitan ng maka-Pilipinong lente.
Buwan ng Anibersaryo
Ang Buwan ng Anibersaryo ay ginaganap sa buwan ng Hulyo at nahahati sa anim na bahagi.
Anniv Exhibit
Ang Anniv Exhibit ay ang opisyal na taunang eksibit ng UP KAPPP na nagsisilbing daan upang mas makilala pa ng karamihan ang kalikasan at kasapian ng organisasyon. Itinatayo ito sa AS Lobby sa unang linggo ng Hulyo, Martes hanggang Biyernes.
Grand Pakain
Sa huling araw ng unang linggo ginaganap ang Grand Pakain. Nagsisilbi itong pagdiriwang ng pagkakabuo ng UP KAPPP kasama ang iba pang mga mag-aaral ng pamantasan.
Anniv Palaro
Maaaring sa porma ng tagisan ng talino, o ng palakasan, ang Anniv Palaro ang masayang daan para mas makilala pa ng mga mag-aaral sa labas ng UP KAPPP ang mga makatotohanan, makabuluhan at makabayang adhikain ng organisasyon. Ginaganap ito sa ikalawang linggo ng Hulyo.
Patsuper
Ang Patsuper o Para sa Ating mga Tsuper ay ang pagbibigay-halaga ng organisasyon sa mga magigiting nating mga tsuper ng mga jeep. Ginaganap ito sa ikatlong linggo ng Hulyo kung saan nagpapamigay ng iba't-ibang mga bagay ang KAPPP sa mga tsuper tulad ng tubig, energy drinks, twalya, UP KAPPP stickers, atbp.
Anniv Forum
Ang Anniv Forum ay ang paraan ng UP KAPPP para maiharap ang mga sinusulong ng organisasyon sa mga mag-aaral ng UP sa isang mas pormal na plataporma. Kadalasang paksa ay mga napapanahong kaganapan sa bansa na tinitignan sa maka-Pilipinong perspektibo.
Anniv Night
Ang Anniv Night ang taunang pagtitipon ng lahat ng resident at alumni members ng UP KAPPP. Nagsisilbi itong gabi ng pagsariwa sa kung ano ba ang ibig sabihin ng pagiging kasapi ng UP KAPPP.
-
Ang Snake Eyes ay isang photo quiz bee kung saan magpapagalingan ang mga manlalaro sa pamilyarisasyon sa iba't-ibang lugar o monumento sa UP noong 2009.
-
Isang Anniv Palaro noong 2010 na pinamagatang PaKAPPPalan, isang kropek-eating contest.
-
Ang UP KAPPP Kalendaryo ng Anibersaryo 2011.
-
Ang pinamahaging Patsuper sticker noong Hulyo, 2011.
-
Ang Anniv Forum noong 2010 ay tumalakay sa Nasyonalismo bilang isang fashion trend sa kasalukuyan.
-
Ang 11th Anniv Night noong Hulyo 30, 2011 sa Kalayaan Bistro, Kalayaan Ave., QC.
-
Anniv Night 2011 poster.
Alternative Classroom Learning Experience (ACLE)
Ang ACLE ay isang semestral na kaganapan ng University Student Council (USC) kung saan ang mga organisasyon ay lilikha ng mga alternatibong paraan para magbahagi ng mga makabagong kaalaman sa mga estudyante. Ang UP KAPPP ay isang aktibong kontributor sa ACLE.
-
ACLE noong August 17, 2006.
-
Ang saya ng ACLE!
-
Ang UP KAPPP ACLE noong 2009. Isa itong film showing ng pelikulang Slumdog Millionaire.
-
Ang UP KAPPP ACLE noong unang semestre ng 2011 na tumatalakay sa epekto ng isang zombie apocalypse sa Agham Panlipunan at Pilosopiya.
-
Si Trance Nuñez habang pinapaliwanag sa mga mag-aaral ang kinalaman ng zombie sa pagtatala ng kasaysayan.
-
Ang ST 2011-2012 matapos ang ACLE 2011.
Proseso ng KAPPPlikasyon
Ang UP KAPPP ay tumatanggap ng undergraduate o graduate students ng UP Diliman na kumuha, kumukuha, o kukuha ng 15 units ng social sciences and philosophy (SSP) courses. Matapos ang Oryentasyon para sa Aplikasyon, ang mga tutuloy na aplikante ay sasailalim na sa Proseso ng KAPPPlikasyon na nahahati sa _ bahagi at kadalasang nagtatagal ng _ na linggo.
-
Application Poster.
-
Application Orientation noong April 21, 2006
-
KAPPPlicants' Talents Night noong May 12, 2006.
-
Talents Night noong September 15, 2006.
-
Arggghhhh!