Jump to content
Main menu
Main menu
move to sidebar
hide
Navigation
Main page
Community portal
Contributor's Page
Flipbook
Directories
Catalogs
Theses
Help Support
Getting Started
Create a New Page
Basic Formatting
Create Events and Announcements
Flibook Tutorial
Iskomunidad
Search
Search
Appearance
Log in
Personal tools
Log in
Pages for logged out editors
learn more
Contributions
Talk
Editing
UP Lakan
(section)
Page
Discussion
English
Read
Edit
Edit source
View history
Tools
Tools
move to sidebar
hide
Actions
Read
Edit
Edit source
View history
Refresh
General
What links here
Related changes
Page information
Cargo data
Appearance
move to sidebar
hide
Warning:
You are not logged in. Your IP address will be publicly visible if you make any edits. If you
log in
or
create an account
, your edits will be attributed to your username, along with other benefits.
Anti-spam check. Do
not
fill this in!
==Mga Proyekto== ===Acquaintance Party=== '''PAGSASALU-SALO.''' Idinaraos ang acquaintance party bilang pagsalubong sa isang buong taong tatahakin ng mga mag-aaral sa unibersidad. Nilalayon nitong tipunin ang mga mag-aaral ng UP Diliman, naninirahan man sa Bulacan o hindi, upang maipakilala ang samahan, gayundin ang probinsya ng Bulacan, sa higit na nakararaming tao. Ang pangunahing adhikain sa pagtitipon-tipong ito ay ang lumikha ng pagkakataon upang pasimulan at/o lalong papagtibayin ang pagkakaibigan sa pagitan ng mga dadalong bisita at mga kasalukuyang miyembro at maging mga alumni ng UP Lakan. Ikalawa na lamang ang hikayatin ang mga bisita na sumapi sa samahan sa pagsapit ng ilulunsad na ''application process'' ng Lupon ng Pagsapi. Nakagisnan na ang pagbabahaginan ng mga talento sa pamamagitan ng mga kaibig-ibig na pagtatanghal at pagpapalabas ng mga kaaya-ayang ''media presentation''. ===CATalinuhan=== '''EDUKASYONG PANGKOLEHIYO.''' Nagsasagawa ng taunang ''college admission test review'' ang UP Lakan para sa mga Bulakenyong mag-aaral na nasa ikaapat na antas sa sekondarya. Ito ay upang matulungang makapaghanda ang mga mag-aaral sa pagkuha nila ng ''entrance exam'' sa paaralan o unibersidad na nais nilang pasukan. Nagbibigay din ang samahan ng mga ''kits'' sa mga mag-aaral na naglalaman ng mga application forms ng mga piling unibersidad. Sa naturang araw din nagbibigay ng orientation upang mabigyan ng ideya maging payo na din sa tatahakin nila sa buhay kolehiyo. ===Application Process=== '''PAGPAPATULOY NG LAYUNIN.''' Ang proyektong ito ay isinagawa sa bawat semestre kung saan ang mga interesadong sumali sa samahan ay mas ipinakikilala sa mga miyembro at alumni, sa mga proyekto ng organisasyon at sa kultura ng samahan sa kabuuan. Sa durasyon na kulang tatlong buwan, ipinapamalas din ng aplikante ang kanyang kakayahan at talentong maaari niyang ibahagi sa samahan. Sa ganitong paraan, napapatunayan niyang siya ay karapat-dapat na maging miyembro ng organisasyon. Pagkatapos niya sa mga proseso ay kikilalanin na siyang miyembro ng samahan. Upang patuloy na matugunan ng samahan ang mga layunin nitong makatulong, kinakailangan ng mga bagong miyembrong magtutuloy sa naumpisahan na ng organisasyon. ===Team Building Activities=== '''PAGBUBUKLOD SA MGA MIYEMBRO.''' Naging isang malaking bahagi na ng organisasyon ang pagkakaroon ng TBA minsan sa isang semestre. Layunin nitong papag-ibayuhin ang pisikal at emosyonal na katatagan at kalagayan ng bawat kasapi ng samahan, bukod pa sa katangi-tanging pagsasama-sama na ginagawa nito sa mga kasaping nakikiisa sa nasabing aktibidad. Karaniwang isinasagawa ang mga larong pinoy o mga patimpalak na iniangkop sa ibang bansa. Ang grupong magwawagi ay tatanggap ng karampatang premyo. ===Alternative Classroom Learning Experience (ACLE)=== '''KULTURANG BULAKENYO.''' Isa sa mga pinakabagong proyektong ilulunsad ngayong semestre na magpopokus sa kultural na aspeto ng ating minamahal na probinsya. Sa pagsuong sa naiibang hakbanging ito ay hangad ng samahang lubusang mapalalim ang pagkakakilala at pagkaunawa ng mga mag-aaral ng UP sa Bulacan at gayon na rin sa samahan. Sa pakikipagkaisa ng USC ay maitatanghal na rin ng UP LAKAN sa kauna-unahang pagkakataon ang mga natatanging tao/bagay/lugar na kinapapanabikang matunghayan ng mga interesadong mag-aaral ng unibersidad. Ito ay mangyayari sa loob ng apat na oras, mula ika-1 hanggang ikalima ng hapon sa petsang itatakda ng USC. ===Alay sa Miyembro=== '''PAGBIBIGAY-PUGAY SA MGA MIYEMBRO.''' Ito ay ginaganap tuwing huling buwan ng semestre. Layunin nitong pormal na kilalanin ang mga katangi-tanging nagawa at naging kotribusyon ng mga miyembro sa samahan sa buong semester. Naggagawad ng iba’t ibang awards at recognitions sa iba’t ibang kategorya tulad ng Best Member Award, Best New Member, Best Committee, Comedy King and Queen, Star for the Night, at marami pang iba. Dito rin binibigyang parangal ang mga miyembrong magsisipagtapos na ng kanilang pag-aaral sa naturang semestre. ===Pambatang Buklatan=== '''EDUKASYONG PANG-ELEMENTARYA AT SEKONDARYA.''' Maituturing ang edukasyon bilang isang susing makatutulong upang makamtan ang ating mga pangarap. Kaugnay nito, isinusulong ng UP Lakan ang kahalagahan ng edukasyon lalung lalo na sa mga kabataan. Pinagtitibay ito ng proyektong Pambatang Buklatan. Ito’y isang aktibidad ng samahan na naglalayong tulungan ang mga kapus-palad na mag-aaral na Bulakenyo. Ito ay ginaganap tuwing unang semestre ng taon kung saan pinagkakalooban ng mga libro at school supplies ang mga mag-aaral mula sa napiling paaralan sa Bulacan. ===Medical Missions=== '''KALUSUGAN.''' Isang malusog at malakas na pangangatawan ang kinakailangan ng isang indibidwal upang maging produktibong mamamayan. Pinapahalagahan din ng UP Lakan ang paniniwalang ito sa isang taunang proyektong ginaganap tuwing ikalawang semestre - ang Medical Mission. Isang piling bayan sa Bulacan ang pinagkakalooban ng libreng serbisyong mediko mula sa sama-samang pagtutulungan ng mga doktor o medikong tao kaagapay ang tulong ng mga miyembro ng samahan. ===Christmas Special=== '''PAGBIBIGAY-SAYA.''' Taun-taong gawi na ng UP LAKAN ang magbigay-saya sa mga batang higit na nangangailangan lalo na tuwing Kapaskuhan. Kung pinapalad na mahusay na naisagawa ng kinatawan ng samahan ang pakikipag-ugnayan sa isang bahay ampunan ay dito itinatanghal ang mga presentasyong talaga namang pinaghandaan ng mga kasapi ng organisasyon. Magkakaroon din ng libreng pakain at mga munting regalo o alaala para sa mga batang ulila. Kung minsa’y ito na ang nagsisilbing Christmas Party ng samahan. ===Timpalakan=== '''TAGISAN NG TALENTO.''' Ang taunang paligsahang ito ay nilalahukan ng mga mag-aaral sa sekondarya mula sa iba’t ibang paaralan sa buong Bulacan. Ang mga kategorya ay Di-Handang Talumpati (English at Filipino), Pagsulat ng Sanaysay (English at Filipino), Poster-Making Contest at Quiz Bee. Ang mananalo dito ang kakatawan sa Bulacan at sasabak sa Patalasang Lahi, isang taunang paligsahan ng Sanlahi Alliance kung saan naglalaban-laban lahat ng kumakatawan sa iba’t ibang probinsiya sa buong Pilipinas. ===Anniversary Month=== '''PAGDIRIWANG.''' Ginaganap ito tuwing Pebrero, buwan kung kailan itinatag ang samahan sa unibersidad. Sa durasyon ng buwang ito nahahanay ang hindi halos mabilang na mga aktibidad, pagtatanghal, palaro, at kasiyahan na magdudulot ng pambihirang karanasan hindi lamang sa mga miyembro ng UP LAKAN kundi pati na sa mga taong lalahok sa mga pangyayaring ito. Kabilang na sa mga ito ang (1) Inter-org Sports Competition kung saan hinihikayat ang iba’t-ibang provincial/non-provincial orgs na makilahok sa mga larong Pilipino (patintero, karerang kawayan, atbp.) at kung saan nais muling ipabatid ang diwa ng sportsmanship, (2) Inter-org Quiz Bee na nitong huli’y pinamagatang “POPtalbugan: POPasa ka ba?” kung saan tinitipon ang mga mag-aaral na mahilig sa popular culture sa isang naiibang pagsubok ng kakayahang matukoy ang mga pinakasikat at usap-usapang tao, bagay, o pangyayari sa kasalukuyan, (3) Flowers & Notes Day kung saan ang lahat ng kasapi na dadalo’t makikiisa ay binibigyan ng kalayaang magpahayag sa lahat ng kanilang mga itinatagong saloobin, mabuti man ang mga ito o masama, (4) Thanksgiving Mass kung saan ang mga kasapi ay sama-samang dumadalo ng isang misa sa Parish of the Holy Sacrifice bilang pasasalamat sa mga biyayang nakamit ng samahan sa nakalipas na taon at sa mga darating pa, at (5) Anniversary Night kung saan ang buong gabi ay ilalaan sa pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkatatag ng organisasyon kasabay na ang pagpaparangal sa mga natatanging miyembro ng samahan na nagpamalas ng kani-kanilang mga kakayahan alang-alang sa UP LAKAN. ===Sem Ender=== '''PAMAMAHINGA.''' Isa (o dalawang) araw na pamamahinga mula sa walang humpay na pagod at puyat na dulot ng akademiya. Ito ay ginaganap upang opisyal na wakasan ang nagdaang akademikong taon at pasimulan ang ligayang hatid ng summer vacation. Dito kung saan muling nagkakatipon ang samahan ay nagaganap ang mga recreational activities gaya ng languyan, laruan, kantahan, sawayan, kwentuhan, at marami pang iba.
Summary:
Please note that all contributions to Iskomunidad may be edited, altered, or removed by other contributors. If you do not want your writing to be edited mercilessly, then do not submit it here.
You are also promising us that you wrote this yourself, or copied it from a public domain or similar free resource (see
Iskomunidad:Copyrights
for details).
Do not submit copyrighted work without permission!
Cancel
Editing help
(opens in new window)
Search
Search
Editing
UP Lakan
(section)
Add topic