Jump to content
Main menu
Main menu
move to sidebar
hide
Navigation
Main page
Community portal
Contributor's Page
Flipbook
Directories
Catalogs
Theses
Help Support
Getting Started
Create a New Page
Basic Formatting
Create Events and Announcements
Flibook Tutorial
Iskomunidad
Search
Search
Appearance
Log in
Personal tools
Log in
Pages for logged out editors
learn more
Contributions
Talk
Editing
UP Buklod-Isip
(section)
Page
Discussion
English
Read
Edit
Edit source
View history
Tools
Tools
move to sidebar
hide
Actions
Read
Edit
Edit source
View history
Refresh
General
What links here
Related changes
Page information
Cargo data
Appearance
move to sidebar
hide
Warning:
You are not logged in. Your IP address will be publicly visible if you make any edits. If you
log in
or
create an account
, your edits will be attributed to your username, along with other benefits.
Anti-spam check. Do
not
fill this in!
=Ang Bukluran= Itinatag ang Bukluran noong '''ika-14 ng Agosto, 1981''', ang kakalasan ng mahabang serye ng pagpupulong ng labing-apat na mag-aaral ng sikolohiya sa silid AS 207 ng Kolehiyo ng Agham at Sining, UP Diliman. Ang mga kasapiang tagapagtatag ay halong mga mag-aaral na mayroong ugnayan bukod sa Bukluran, at mag-aaral na walang ibang ugnayan. Ang ilan dito ay nagmula sa hanay ng UP Sandigan para sa Mag-aaral at Sambayanan (UP SAMASA) at UP Samahan para sa Agham Pampulitika (UP SAPUL) tulad nina Roberto "Bobby" E. Galvez, Armando "Ding" V. de Jesus, Lourdes Desiree "Daisy" Dominguez, Rolando "Roly" Ramos, at Ma. Angela "Ging" Agustin. Ang iba ay nanggaling sa samu't-saring mga samahan at organisasyon, tulad nina Susan Warren-Mercado (Tagapangulo ng Theta Epsilon Sorority), Adonna K. Esleta (Pangalawang Tagapangulo ng UP Psychology Society o UP PsychSoc), Liza Rodriguez(Pangalawang Tagapangulo ng UP PsychSoc noong nakaraang taon), Victoria "Rhea" Cabrera, Ma. Socorro "Cookie" Quepo (Lipunang Pangkasaysayan o UP LIKAS), at Dennis Batangan (kasapi ng UP PsychSoc). Ang mga natitira, sina Bunny Pangalangan (na nagtapos sa Oktubre ng taong iyon), Jocelyn "Joy" Jimenez at Enrico "Eric" Enriquez Alejo, ay walang ibang mga ugnayan. Si Dr. Virgilio Enriquez ang naging unang Gurong Tagapayo ng Bukluran. Sa kasalukuyan, ipinagdiriwang ng Bukluran ang ika-31 na anibersaryo nito. Ang punong himpilan nito ay matatagpuan sa East Wing, Palma Hall.

===Preyambolo===
Kami, ang mga mag-aaral ng sikolohiya na naniniwala sa mahalagang papel ng sikolohiya sa pagsusuri at pagbabago ng lipunan, na naglalayong magtatag ng isang buklurang magpapalaganap ng isang Sikolohiyang sumasalamin sa diwa ng sambayanang Pilipino, at tumutugon higit sa lahat sa pangangailangan at interes ng masang Pilipino, ay taos-pusong nagpapatibay at nagtataguyod ng saligang batas na ito.
=== Ang Pamunuan ng Bukluran === Sa saligang batas noong itinatag ang samahan, mayroong pitong kasapi ang Lupong Tagapagpaganap: ang Tagapangulo, ang Pangkalahatang Kalihim, at ang mga direktor ng limang natitirang lupon. Sa akademikong taong 1983 - 1984, binuo ang Lupon ng Aklatan, at ang unang direktor nito ay si Lizamarie Punongbayan. Sa taong 1991 - 1992, sa pamumuno ni Shella Quezada, binigyan ng pinaikling mga pangalan ang mga titulo ng mga posisyon sa Lupong Tagapagpaganap. Sa taong 1994 - 1995, ginawang hiwalay na lupon ang Daluyan, ang opisyal na pahayagan ng Bukluran, na dating nasa ilalim ng Lupon ng Paglalathala at Publisidad; bagaman sa nakaraan ay mayroon nang punong patnugot ang Daluyan, ang naging unang direktor nito sa Lupong Tagapagpaganap ay si Leah Marie Arrojado. ==== '''Lupong Tagapagpaganap''' 1981 - 1982 ==== *'''Tagapangulo''': Roberto “Bobby” E. Galvez *'''Pangkalahatang Kalihim / Direktor ng Lupon ng Kasapian''': Adonna K. Esleta / Ma. Angela "Ging" Agustin *'''Direktor ng Lupon ng Pag-aaral at Pananaliksik''': Dennis B. Batangan *'''Direktor ng Lupon ng Ugnayang-Panlabas''': Lourdes Desiree “Daisy” Dominguez *'''Direktor ng Lupon ng Gawaing-Pangkalinangan''': Rolando "Roly" Ramos *'''Direktor ng Lupon ng Pananalapi''': Enrico "Eric" Enriquez Alejo *'''Direktor ng Lupon ng Paglalathala at Publisidad''': Ma. Victoria "Ria" Cabrera '''Gurong Tagapayo''': Dr. Virgilio G. Enriquez ==== '''Lupong Tagapagpaganap''' 2013 - 2014 ==== *'''Bos Tsip-Tsip''': Antonia Beatrice Lee *'''Lupon ng Kasapian''' (LuKas) Bos Tsip: Jaslyn Monique Viray *'''Lupon ng Pag-aaral at Pananaliksik''' (LuPag) Bos Tsip: Miguel Enrico Teves *'''Lupon ng Ugnayang Panlabas''' (LupUs) Bos Tsip: Maria Carla Buenaflor *'''Lupon ng Gawaing Pangkalinangan''' (LuGaw) Bos Tsip: Patricia Castelo *'''Lupon ng Pananalapi''' (LuPan) Bos Tsip: Arisa Saisho *'''Lupon ng Paglalathala't Publisidad''' (LuPaP) Bos Tsip: Danielle Marie Parreno *'''Lupon ng Aklatan''' (LupAk) Bos Tsip: Rodrigo Cruz *'''Ang Daluyan''' Bos Tsip: Gabriela Victoria Timbancaya '''Gurong Tagapayo''': Bb. Cherrie Joy Billedo at G. Jose Antonio Clemente ===Mga Gawain=== *'''Lingap Kamay''': Medical Missions at Teach-Ins *'''Sayawitsan: Sayawan, Awitan at Balagtasan''': Cultural Night *'''Paglubog (Immersion)''' *'''Pang-akademikong Kumperensya''' *'''Paper-sharing''' *'''Discussion Groups''' *'''Pagtulong sa mga Pag-aaral sa Sikolohiya''' *'''Paglilimbag ng mga Pag-aaral sa Sikolohiyang Pilipino''' *'''SP Workshops''' *'''SP Exhibits''' *'''Exposure Trips''' *'''Tsibugang Pinoy''': Pinoy Food Eating Contest *'''Gabi ng Anibersaryo''' ===Sikolohiyang Malaya at Mapagpalaya=== '''Titik:''' Armando "Ding" De Jesus '''Musika:''' Rainier Reyes
Mistulang pangarap ang isang hangarin
Na walang pag-asang hagilapin
Ng isipang pinilit talian
Ng isipang pinilit gapusan

Mistulang panaginip, malimit lumapit
Kabuluhan, kabuluhan, iginigiit
Subalit buong lakas na sinasaghan
Ng isipang gapos sa masikip na kulungan

Mukha'y tinatakpan, habang damdami'y sinisilaban
Ng mga katanungang 'di matakasan
Nasaan ang sikolohiyang sinasamo
Ang sikolohiyang walang pagbabalat-kayo?

Kaya't halina, mga kasama
Tapusin na ang pag-iisa
Panaginip mo'y gawing katotohanan
Pangarap mo'y makakamtan

Halina, mga kasama
Isipa'y hayaang lumaya
Sikolohiya'y gawing malaya
Sikolohiya'y gawing mapagpalaya

Halina, mga kasama
Lahat tayo'y magbukluran na
Hangarin mo'y hangarin ko
Tagumpay mo'y tagumpay ko!

==Gabay sa Pagsali sa Bukluran== Mga ilang gampanin para sa isang matagumpay na aplikasyon sa UP BUKLOD-ISIP: *'''Attendance''' – Ito ay tumutukoy sa pagpunta sa mga iba't ibang gawain ng Bukluran. Ang bawat aktibidad na mapupuntahan ay may karampatang puntos. *''' Sigsheet''' – Dito pinapapirma ng aplikante ang mga miyembro at alumni ng Bukluran upang sila’y magkakilala. Dito rin matatagpuan ang mga pahina para sa 'Buddy Write-up' at 'Attendance'. *'''SP Requirements''' – Ito ang iba’t ibang mga workshop at iba pang mga aktibidad na ginagawa upang mas maunawaan ng aplikante ang SP. *'''Expo Trip''' - Isang aktibidad na ginaganap sa kalagitnaan ng proseso ng aplikasyon upang mapakilala ang SP bilang isang konseptong makikita sa ibang konteksto at hindi lamang nakapaloob sa silid-aralan. *'''Buddy Date''' – Ito ay pagkakataon para mas makilala ng mag-buddy na aplikante at miyembro ng Bukluran ang isa’t isa. *'''Interview''' – Ito ay nagaganap sa bandang huli ng aplikasyon para malaman kung anu-ano ang mga natutunan ng bawat aplikante tungkol sa SP at sa Bukluran mula sa buong proseso ng aplikasyon.
Summary:
Please note that all contributions to Iskomunidad may be edited, altered, or removed by other contributors. If you do not want your writing to be edited mercilessly, then do not submit it here.
You are also promising us that you wrote this yourself, or copied it from a public domain or similar free resource (see
Iskomunidad:Copyrights
for details).
Do not submit copyrighted work without permission!
Cancel
Editing help
(opens in new window)
Search
Search
Editing
UP Buklod-Isip
(section)
Add topic